Close

Sereno camp, duda makakakuha ng 'fair verdict' sa quo warranto

Sponsor ads


Duda ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na makakagawa ng patas na hatol ang Supreme Court kaugnay sa quo warranto case nito.

Ginawa ni Atty. Josa Deinla, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, isang linggo matapos ibasura ng tribunal ang mosyon ni Sereno na mag-inhibit mula sa pagdinig ang limang associate justices matapos tumestigo ang mga ito sa House panel na duminig sa impeachment charges laban sa punong mahistrado dahil sa kakulangan umano ng merito.

Batay sa motions for inhibition ni Sereno, iginiit nito ang pagiging bias nina Associate Justices Teresita De Castro, Noel Tijam, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, at Francis Jardeleza dahil sa mga naging pahayag sa Kamara kaya dapat hindi na makisali sa pagdinig ng kanyang quo warranto case.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Deinla na hindi nababahala si Sereno sa impeachment proceedings laban sa kanya.

Mababatid na inaprubahan na ng House justice committee ang anim na six articles of impeachment laban kay Sereno.

Paulit-ulit rin na sinabi ni Sereno na gusto na niyang maiakyat sa Senado ang impeachment para sa trial kung saan dito umano siya sasagot sa lahat ng ibinabatong alegasyon laban sa kanya.