Close

Sereno, hinamon si Duterte magbitiw na re: 'Role' sa ouster

Sponsor ads


Hinamon ni datig Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa pwesto dahil personal umano na inamin ng pangulo na siya ang nasa likod ng matagumpay na pagpapatalsik sa kanya sa Supreme Court (SC).

Ginawa ni Sereno ang pahayag isang araw matapos sabihin ni Duterte na magbibitiw siya pagkapangulo kung mayroon makakapagpatunay sa kanyang naging papel sa pagpapatalsik sa dating punong mahistrado.

Inihalimbawa rin dito ni Sereno ay pahayag ng pangulo na ikinokonsidera siya bilang isang kaaway bilang tugon sa naging tanong niya kung bakit si Solicitor General Jose Calida ang naghain ng ouster petition laban sa kanya.

Mababatid na ipinag-utso rin ni Duterte sa Kongreso ang pagpapabilis sa impeachment proceedings laban kay Sereno.