Close

September 8, idineklara bilang special working holiday

Sponsor ads


Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 8 ng bawat taon bilang special working holiday.

Para ito sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa kaarawan ng Birheng Maria.

Mababatid na nilagdaan ng Pangulo ang batas para dito o ang Republic Act 11370 noong August 8.

Ang ibig sabihin ng working holiday ay magiging bukas pa rin ang mga klase sa mga paaralan, opisina at iba pang establishimyento.