Close

Senators, nagbabala sa mga balik bumalik sa danger zone

Sponsor ads


Nanawagan si Taal eruption inter-agency coordinator Senador Francis Tolentino sa mga residenteng apektado ng pagsabog ng bulkan, na nagtatangkang bumalik sa kanilang mga lupain para iligtas ang kanilang mga naiwang alagang hayop, na huwag nang tumuloy.

Ayon sa senador, mayroon kasing mga napaulat na mga residenteng nagtatangkang bumalik sa mga hazardous areas dahil sa unti-unting pag-ganda ng panahon.

Giit ni Tolentino, malinaw ang direktiba ng mga otoridad na walang papayagang makabalik at dapat pigilin ang naturang mga indibidwal para na rin sa kanilang kaligtasan.

Kaya naman payo ng mambabatas, huwag nang matigas ang ulo at sumunod sa mga otoridad.

Mas maigi aniyang maghintay muna sa updates mula sa PHIVOLCS bago magsagawa ng anumang pagkilos dahil sa panganib na maaaring idulot ng ashfall sa kalusugan. //GP