Close

Senate allies ni PRRD, walang pangamba sa kanyang kalusugan

Sponsor ads


Naniniwala rin ang ilang mga Senador na walang dapat ikatakot ang publiko hinggil sa kasalukuyang estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod pa rin ito ng nagawang pag-amin ng Pangulo na mayroon na itong myasthenia gravis, isang nerve at muscle malfunction na nakuha umano niya sa kanyang lolo.

Ayon sa dati niyang aide na si Senador Bong Go, bagamat totoo nga ang naturang karamdaman ni Duterte, hindi naman na ito lumala pa ayon daw sa kanyang doktor.

Sinabi naman ni Senador Francis Tolentino na mas malakas na malakas pa ang 74 anyos na Presidente kasabay ng dami ng trabaho nito.

Naniniwala naman si Senadora Imee Marcos na magandang bagay na rin na walang tinatago ang Pangulo lalo na't may edad na rin ito.

Kagaya ito ng naging reaksyon ni Senador Koko Pimentel kung saan, ipinuno nitong noong nangangampanya pa lamang sila ay talagang bukas na ito sa publiko hinggil sa estado ng kanyang kalusugan.

Nauna nang minaliit ng Palasyo ang sakit at sinabing nasa maayos pa rin ang kundisyon ng Pangulo.
#