Close

Sen. Go suma-ilalim sa self quarantine

Sponsor ads


Nagdesisyon na si Senador Christopher Bong Go na mag-self quarantine matapos na makahalubilo sa ilang mga event sa Malakanyang si ACT-CIS Partylist Cong. Eric Yap na nagpositibo sa corona virus disease.

Ayon sa Senador noong nakaraang araw ay puro lamang siya trabaho at ikinalungkot niya ang balitang tinamaan na rin ng COVID-19 si Yap.

Nagsasagawa na umano sila ng contact tracing lalo yung mga dumalo sa meeting na isinagawa noong Sabado kung saan kasama nila ang kongresista.

Sa ngayon wala naman umano siyang nararamdaman na sintomas ng sakit subalit kailangan niyang sumunod sa health protocol na ipinapatupad ng pamahalaan.

Tiniyak naman ni Go na sa kabila nito ay patuloy niyang paglilingkuran at gagampanan ang kanyang tungkulin sa taumbayan.