Close

Sen. Go pinuri ang mga nagsoli ng SAP aid

Sponsor ads


Pinuri ni Senador Christopher Bong Go ang mga ilang indibidwal na nagpakita ng katapatan matapos isauli ang kanilang natanggap na ayuda mula sa pamahalaan.

Ilan kasi dito at matapat na nagsabing doble na ang kanilang natanggap ng financial assistance mula sa gobyerno habang ang iba naman ay tumangging tangapin ang pera mula sa Special Amelioration Programan upang maibigay sa mas nangangailangan.

Ayon kay Go nakatutuwa ang mga balita na may mga kababayan tayong tapat lalo na sa ganitong panahon.

Malaking bagay umano ito dahil ang mga pera na ibinalik nila ay mapupunta sa iba pang pamilya na nangangailangan din ng tulong.

Umapela naman si Go sa iba pa na nakatanggap ng dobleng ayuda sa gobyerno na ibalik ito sa pamahalaan upang mas maraming pamilya ang matutulungan at mapabilis pa ang paglutas sa COVID-19 crisis.