Close

Sen. Go, naghatid ng tulong sa Kidapawan city

Sponsor ads


BNFM-Kidapawan - HALOS hindi mahulugang karayom sa dami ng tao ang evacuation center ng Barangay Ilomavis, Kidapawan City kaninang umaga nang bumisita si Senador Bong Go.

Dumating si Sen. Go sa lugar alas-9 ng umaga kasama ang mga opisyal ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan, gaya ng Department of Health ng Region-12, Department of Public Works and Highways, DSWD at iba pa.

Hindi magkamayaw sa tuwa ang tinatayang mahigit dalawang-libong mga evacuees nang makita ang nasabing senador na nakamotorsiklo, dala ang pag-asa na muling makakabangon mula sa mahirap na kalagayan ang mga biktima ng trahedya ng lindol.

Biibit ng kampo ni Sen. Bong ang mga tulong, gaya ng mga groceries, tents at tubig, at binigyan din ng P3,000.00 ang bawat household na kanilang magagamit sa kanilang pangangailangan.

Ipinangako din ng Senador na magpapadala siya ng mga portalettes sa evacuation center sa pamamagitan ng DOH upang mapanatiling malinis ang lugar at maiwasan ang anumang sakit.

Sinabi din ni Sen. Go na ang sinumang may karamdaman kahit na walang kinalaman sa lindol ay kanyang dadalhin sa Davao City upang maipagamot o ipapa-opera ng libre, at pati ang titirhan ng mga ito ay siya na rin umano ang sasagot.

Samantala, lalong nagkagulo ang mga tao nang ipinakita ni Sen. Go ang kanyang kasamang sorpresa na si Actor Robin Padilla na nag-render ng dalawang awit nang sa gayon, kahit saglit lang ay mawawala din ang lungkot ng mga evacuees.

Mula sa Ilomavis, Kidapawan City ay tumulak ang kampo ni Sen. Go sa Malasila, Makilala, North Cotabato upang mabisita din nito ang mga evacuees at mabigyan din ng tulong ang mga nabiktima ng lindol. // Eva Buhayan-Molina