Close

Sen. Bato, nagpositibo sa COVID-19

Sponsor ads


Inanunsyo ni Senador Ronald "Bato" Dela Rosa na nagpositibo sya sa coronavirus disease.

Sa isang statement, inabisuhan ng senador ang lahat ng mga nakasalamuha nya na gawin ang mga nararapat na protocols.

Mababatid na si Dela Rosa ang ikalimang senador na tinamaan ng virus kasunod nina Senators Sonny Angara, Juan Miguel Zubiri, Aquilino Pimentel III at Ramon "Bong" Revilla Jr. na mga naka-rekober na sa sakit.

Sa ngayon, pumalo na sa 415,067 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ng mga otoridad na bumaba na ang naitatalang daily COVID-19 cases sa bansa.