Close

Sen. Angara, nagpositibo sa COVID-19

Sponsor ads


Malungkot na ibinalita ngayong araw ni Senador Sonny Angara na nagpositibo sya sa COVID-19.

Sa inilabas nitong statement, sinabi ng senador na nakaramdam sya ng mga sintomas gaya ng lagnat, pag-uubo, pananakit ng ulo, at panghihina.

Ayon kay Angara, di sya lumabas at nakisalamuha sa publiko simula noong nagpa-test sya noong March 16.

Si Angara ang ikatlong senador na nagpositibo sa virus, kasunod nina Senador Juan Miguel Zubiri at Senador Aquilino Koko Pimentel.