Close

Seller ng marijuanang nasa balot ng candy, inaresto

Sponsor ads


Hinuli ng mga otoridad ang isang lalaking nagbebenta umano ng marijuanang nasa loob ng candy wrappers sa halagang P500 sa General Santos City.

Pahayag ni Police Chief Superintendent Marcelo Morales ng Police Regional Office 12, ito na raw ang bagong modus operandi ng mga street level na pagbebenta ng marijuana.

Giit naman ng suspek na kinilalang si Nicko Fabian, gumagamit lamang siya ng marijuana upang manatiling gising sa kanyang trabaho bilang isang computer technician at hindi umano siya nagbebenta nito sa halip ay nautusan lang na mag-deliver.

Nahaharap si Fabian ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act. //AJ NGUHO (CONTRIBUTOR)