Close

Seguirdad sa Lanao del Sur, mas hinigpitan na re: PRRD's visit

Sponsor ads


Mas hinigpitan na ang seguridad sa Lanao del Sur dahil sa inaasahang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander MGen. Cirilito Sobejana, all set na ang militar bukod sa seguridad na ibibigay ng PSG.

Ayon kay Sobejana kabilang sa inihandang programa para sa Independence Day celebration ay ang wreath laying ceremony at pagkatapos magkakaroon din ng talk to men ang Pangulo.

Gaganapin ang programa sa mismong headquarters ng 6th Infantry Battalion.

Tiniyak naman ni Sobejana na in placed na ang kanilang inihandang seguridad para maging safe and secured ang pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte.