Close

Security plan sa 2019 midterm elections sa Region 12, pinag-aaralan

Sponsor ads


KORONADAL CITY - PINAGHAHANDAAN ng Police Regional Office (PRO)-12 ang security plan para sa 2019 National at Local Elections sa SOCCSKSARGEN region sa Mayo.

Layunin nito na masiguro ang seguridad ng lahat at maging maayos ang isasagawang eleksyon sa rehiyon lalo na sa pagfile ng certificate of candidacy (COC) na nagsimula Oktubre 11 at magtatagal hanggang Oktubre 17.

Maliban dito, pinaghahandaan rin ng kapulisan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa January 21, 2019.

Pinasiguro naman ng PNP 12 na gagawin nila ang lahat upang masiguro ang kaligatasan ng lahat at magkaroon ng malinis at patas na eleksyon sa susunod na taon. (Tiffany Jill Trinidad)