Close

Secret Santa, binayaran ang $ 29,000 halaga ng Walmart layaway items

Sponsor ads


Nagulat ang mga customer sa isang Walmart store sa Pennsylvania nang madiskubreng binayaran na ng isang Secret Santa ang $29,000 halaga ng layaway items sa nasabing tindahan.

Kinumpirma ng Walmart Store sa Kennett Square na isang anonymous benefactor na kilala lamang ng ilan sa kanilang empleyado ang nagbayad sa $29,000 bills na tulong sa daan-daang customers sa kanilang Christmas shopping.

Ayon sa Walmart, kapag palihim na binabayaran ng customers ang layaway items ng iba, isa itong paalala kung gaano kabuti ang kalooban ng tao.

Kaya naman ipinagmamalaki nilang nagong bahagi ng sila ng random act of kindness.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng mga customers nang magpunta sa counter at nalamang wala na silang babayaran sa mga biniling items.