Close

School principal sa GenSan, dumipensa sa pagpalo ng estudyante

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Mariing pinabulaanan ng principal ng Datu Andiam Manza National High School sa Barangay Tinagacan ng lungsod ang alegasyon ng isang estudyante na umanoy kaniyang pinalo ng PVC nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Isidro Salanio, principal ng naturang paaralan na kaniya lamang ipinatawag sa opisina ang estudyante para tanungin bakit ayaw nitong pumasok sa klase.

Hindi umano totoo na kaniyang sinaktan ang Grade 9 pupil dahil kung kaniya umano itong pinalo, nagkaroon ito ng mga pasa sa katawan.

Nabatid na naisugod sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang naturang estudyante habang desidido umano ang magulang nito na magsampa ng reklamo laban sa nasabing principal. Joseph Reyes