Close

Sardinas, posibleng magtaas-presyo dahil sa pagsadsad ng piso

Sponsor ads


Aarangkada na naman ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagsadsad ng piso kontra dolyar kasama na rito ang mga de-lata na ang mga materyales gaya ng lata ay binibili pa mula sa labas ng bansa.

Ayon kay Marvin Lim, pangulo ng Canned Sardines Association of the Philippines, posible silang magtaas ng presyo dahil nanggagaling sa ibang bansa ang raw materials na ginagamit sa paggawa ng mga de-lata.

Nagsara sa P54.13 ang halaga ng piso kontra dolyar mula sa P53.94 noong Martes kung saan ito ang pinakamahinang halaga ng piso sa halos 13 taon.

Pero ayon kay Lim, hindi naman agad ang taas-presyo dahil marami pa silang nakaimbak na raw materials.

Nananatili namang nakabinbin sa Department of Trade and Industry ang mga hiling na dagdag-presyo na maaari umanong ibagsak sa Disyembre. || Liam Eustaquio