Close

Sardinas, mainam para sa mga nagdidiet

Sponsor ads


Maraming mga recipe na pwedeng gamitin ang sardinas bilang pansahog.

Pwede rin itong ulamin pagkabukas na pagkabukas palang sa lata.

Ano ang benepisyo ng sardinas?

1. May Omega 3 fatty acids – Ang sardinas ay sagana sa Omega 3. Ayon sa American Heart Association, ang Omega 3 ay nagpapataas ng good cholesterol at pinoprotektahan ang ating puso, utak at ugat. Dahil dito, makaiiwas tayo sa atake sa puso at sa istrok.

2. May Coenzyme Q10 – Alam ba ninyo na ang sardinas ay may mataas na lebel ng Coenzyme Q10, isang anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan.

3. May Calcium – Ang calcium mula sa sardinas ay nagpapatigas ng ating buto. Kapag sasabayan ito ng ehersisyo, mas titibay ang ating buto at makaiiwas sa osteoporosis. Kaya maganda ito sa kababaihan.

4. May Vitamin D – Ang sardinas ay kabilang sa iilan lamang na mga pagkain na may vitamin D. Napakahalaga ng vitamin D at tumutulong ito sa pag-absorb ng calcium ng ating katawan.

5. May Vitamin B12 – Bukod sa calcium at vitamin D, ang sardinas ay may Vitamin B12 para sa kalusugan ng ating mga ugat (nerves), utak, at spinal cord. Ang vitamin B12 ay nagpapalakas din ng katawan at tumutulong sa paggawa ng dugo.

6. May Phosphorus – Ang sardinas ay may taglay ding phosphorus, na kailangan para tumigas ang ating buto at ngipin.

7. Para sa mga nag-di-diyeta– Dahil mababa sa calories ang sardinas, puwede ito sa mga taong nag-papapayat. Mataas ito sa protina na nagbibigay sa atin ng lakas (energy).