Close

Sarah G at Matteo, engaged na!

Sponsor ads


Shining shimmering splendid ang suot na singsing ni Sarah Geronimo na sinasabing engagement ring na mula sa long time boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Sa instagram post ni Matteo makikita ang litrato nilang dalawa nila ni Sarah kung saan sakal siya nito at tila pinapakita ang singsing.

Ito ay may caption na "I love you my love, now and forever".

Marami ang nagpaabot ng pagbati sa AshMat couple kabilang na ang celebrity friends na sina Karla Estrada, Angel Locsin, Darren Espanto, Dimples Romana, Gary Valenciano, Martin Nievera, at marami pang iba.

Taong 2016 nang magkakilala sina Sarah at Matteo sa tulong ng common friend na si Billy Crawford.

Noong panahon na iyon, inamin ni Matteo na huge crush niya ang Popstar Royalty!

Sa ngayon ay anim na taon nang magkarelasyon ang dalawa.

Congrats AshMat!