Close

Sara kay Trillanes: Leave me in peace

Sponsor ads


"Leave me in peace"

Ito ang naging pakiusap ni Davao City Mayor Sara Duterte kay Senador Antonio Trillanes.

Ayon kay Sara, ito ay kung nais pang maging mahalaga ni Trillanes sa susunod na henerasyon dahil kung hindi ay gagastos lamang umano ang senador at kanyang mga kaibigan ng higit pa sa bilyon sa 2022 presidential election para lamang gawin siyang "insignificant".

Banat pa ng alkalde, kung naiisip ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na patayin si Trillanes, nais naman niyang manatiling buhay sa pasakit ang senador.

Samantala, sinabi naman ni Sara na hnggang ngayon ay pinag-iisipan pa rin niya kung siya ay tatakbo sa eleksyon.

Depende umano kasi ito sa kung sino pa ang ibang tatakbo, pondo at abilidad na manalo.