Close

Sara Duterte, nanguna sa presidential poll ng OCTA Research

Sponsor ads


Nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte sa survey na isinagawa ng OCTA Research kaugnay sa susunod na presidente na napupusuan ng mga Pilipino.

Makikita rin sa survey ng polling, research at consulting firm na nasa ikalawang pwesto si Senator Grace Poe habang sinundan naman ito ni Senator Manny Pacquiao.

Isinagawa ang nasabing survey na nilahukan ng 1,200 respondents mula January 26 hanggang February 1.

Mababasa sa survey tanong na: "Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon at ang kandidatong ito ang tatakbo sa pagka-Presidente, sino sa kanila ang pinakamalamang na iboboto ninyo?"

Binigyan ng OCTA research ang mga respondents ng mga pangalan na pwede nilang iboto sa survey.

Para naman sa vice presidential race ay lumabas rin bilang top 1 si Duterte habang sinundan naman ito nina Manila Mayor Isko Moreno at Pacquiao.