Close

Sanhi ng pagkagalit pag-gutom, tinukoy ng siyensya

Sponsor ads


Sa pamamagitan ng pag-aaral gamit ang mga daga natuklasan ng mga mananaliksik na ang pagbaba ng blood sugar pag-nagugutom ay dahilan kung bakit nagiging "hangry" o mabilis magalit kapag gutom ang isang tao.

Ayon sa nanguna ng pag-aaral na si Francesco Leri mula sa psychology department ng University of Guelph sa Canada, ang pagkakaroon ng Low blood sugar ay tinatawag na hypoglycemia na isang strong physiological and psychological stressor.

Inilagay nila ang mga daga sa isang chamber kung saan tinurukan ang mga ito ng glucose blocker upang bumaba ang kanilang blood sugar matapos ito pinapili nila ng chamber ang mga daga, at iniwasan ng mga ito ang chamber kung saan sila tinurukan ng glucose blocker.

Nagsagawa din sila ng blood tests at nakitang kapag mababa ng blood sugar mas mataas ang hormone na corticosterone na senyales ng physiological stress at kapansin-pansin din na mas mabagal o tamad kumilos ang mga daga noong tinurukan ito ng sugar blocker.

Sa kabila nito importante pa ding malaman na resulta ng pag-aaral sa mga hayop ay hindi maiaangkop sa mga tao sa lahat ng oras at sa kasalukuyan pinag-aaralan ng mga mananaliksik kung ang matagalang hypoglycemia ay isang factor para sa depression.