Close

Sandigan, pinagtibay ruling sa fertilizer case vs. ex-Rizal Gov. Ynares

Sponsor ads


Pinagtibay ng Sandiganbayan ang kanilang ruling na ipagpatuloy ang graft trial laban kay dating Rizal Governor Casimiro Ynares Jr. kaugnay sa umano'y

overpriced na pagbili ng organic fertilizers.

Batay sa resolusyon mula sa Third Division, ibinasura ang motion for reconsideration ni Ynares dahil umano sa kakulangan ng merito, ganun rin ang parehong apela ng kanyang co-accused, na si dating assistant department head Romulo Arcilla Jr.

Ayon sa Sandiganbayan, parehong bigo ang dalawang defendants na magraise ng mga bagong argumento para sa kanilang apela.

Binigyang diin pa ng anti-graft court na ang apela ay una nang naideklarang moot and academic dahil ibinasura na umano ng Supreme Court ang kanilang

petition for certiorari.

Tinukoy rin ng Sandiganbayan sa kanilang resolusyon ang bahagi ng SC ruling, na nagsasabing wala umanong "grave abuse of discretion” laban sa korte nang ibasura nito ang motion to quash ni Ynares at Arcilla.

Ang kaso laban sa dalawa ay nag-ugat mula sa kontrang sa Feshan Philippines noong November 2004 para sa suplay ng 1,266 bottles ng organic fertilizers

para sa kanilang probinsya sa halagangf P1,500 bawat isa nang walang isinasagawang public bidding.