Close

Sandara Park, nag-Tagalog sa Korean show

Sponsor ads


Trending sa Twitter ang pusong Pinay na si Sandara Park matapos ang biglang pagsasalita nito ng tagalog sa isang Korean show.

Sa videos na ibinahagi ng netizens sa Twitter ay makikita na nasa gitna si Sandara ng maikling impromptu skit kasama ang Korean actress na si Choi Su-rin, nang bigla itong naubusan ng sasabihin gamit ang Korean na lenggwahe.

Kalaunan ay bigla na lamang ito nagtagalog at sinabi na: "Ano po sinasabi niyo? Hindi ko kay maintindihan, galing po ako sa Pilipinas."

Tila ay naguluhan naman si Su-rin sa kanyang mga narinig habang gualt rin ang naging reaksyon ng iba pang Koreans sa palabs dahil hindi nila naintindihan ang sinabi ni Sandara.

Marami naman sa mga netizens ang pinuri si Sandara dahil sa pagmamahal nito sa Pilipinas.