Close

Sanctions vs. NoKor, pinahigpit ng UN Security Council

Mas pinahigpit ng United Nations Security Council ang parusa laban sa North Korea matapos ang isinagawa nitong nuclear test noong September 3 na siyang ikina-ban nito mula sa textile exports at imports ng krudo.

Ito na ang ika-siyam na sanctions resolution na ipinataw ng 15-member council mula noong 2006 dahil sa mga ballistic missile at nuclear programs ng North Korea.

Ang textiles ang pangalawa sa pinakamalaking export ng North Korea sumunod sa coal at iba pang mineral noong 2016 na katumbas ng $752 million.

Dahil sa nasabing resolution, banned na ang North Korea sa condensates at natural gas liquids at limitado na lamang sa 2 million barrels kada taon sa refined petroleum products.

Mula sa China ang karamihan sa suplay ng krudo sa North Korea.