Close

San Sebastian, madaling nalusutan ang JRU; 82-51

Sponsor ads


Madaling nalusutan ng San Sebastian ang Jose Rizal University sa kanilang pagtatapat sa NCAA Season 95 men's basketball tournament na nagtapos sa 82-51.

Sa ginanap na laro sa Filoil Flying V Centre sa San Juan ay kumolekta si RK Ilagan ng 25 points na may 9-of-17 shooting from the field.

Nagpasiklab si Ilagan sa kanyang 3-point shots matapos nitong maipasok ang 5 sa 9 niyang attempts.

Nag-ambag naman si Alvin Capobres ng sixteen points at 6 recounds para sa Stags.

Umabot pa sa 31 points ang pinakamataas na lamang ng San Sebastian.

Nahirapan naman sa kanilang opensa ang JRU na nagtala lamang ng 32% shooting from the field.

Wala sa mga basketbolista ng Heavy Bombers ang nakapagtala ng double-digit na puntos.