Close

Sagupaan sa Libya, tumitindi

Sponsor ads


Dose-dosena ang patay, habang libo-libo naman ang walang matirahan matapos tumindi ang bakbakan sa Libya sa pagitan ng mga rebelde at ng pwersa ni Libyan strongman Khalifa Haftar.

Nangyari ito nang subukan ng gobyerno ni Fayez al-Sarraj na suportado ng United Nations na harangan ang opensiba ng Libyan National Army ni Haftar.

Sinabi ng World Health Organization na mero nang dose-dosenang tao ang namatay habang sugatan naman sa walong araw na bakbakan ang 300 iba pa.

Ayon naman sa United Nations ay umabot sa 8,000 ang bilang ng mga tao na napilitang lumikas mula sa kanilang mga bahay.

Inanunsyo din ni UN spokesperson Rheal Leblanc na marami pang pamilya ang nanatiling stranded sa loob ng conflict affected areas.

Matatandaan na sinabi ng France na nagawa nilang makausap ang lahat ng partido sa nangyayaring gulo sa Libya.

Ngunit hindi nito kinumpirma ang ulat ng isang pahayagan sa Italy kaugnay sa pagpapadala umano ni Haftar ng envoys sa Paris ilang oras bago ito naglunsad ng opensiba sa Tripoli noong April 4.