Close

Safe bang mag 'love-making' ngayon may banta ng COVID-19?

Sponsor ads


Maraming nagtatanong kung gaano ka-safe mag-sex ngayong pinapayo ng mga health authorities na mag self-isolate at social-distancing dahil sa banta ng corona virus disease.

Ayon kay Professor Paul Hunter ng University of East Anglia kumakalat ang ang virus sa pamamagitan ng oral at respiratory droplets.

Sinabi ni Hunter na kung kaya ng mag-partner na walang halikan habang nagniniig ay pwede nila itong gawin.

Dagdag pa ng propesor kung ang isang indibidwal ay nasa monogamous relationship at nagsasama sa iisang bahay, okey lang na gawin pa rin ang sex basta't hindi nagpapakita ng sintomas ang inyong partner.

Sa mga isina-ilalim sa self-isolation at nakitaan ng mild sysmtoms, hangat maaari ay iwasang makipag-sex sa inyong partner sa loob ng pitong araw (7 days).

Batay umano sa pag-aaral nangyayari ang transmission ilang araw matapos kumapit ang virus sa tao.

Naniniwala si Hunter na dahil sa umiiral na lockdown sa iba't-ibang lugar magkakaroon ng mataas na birth rate sa susunod na taon.

“I confidently expect to see an increase in the birth rate early next year – you can only watch so many re-runs of Crocodile Dundee and Carry On films before you get bored of the telly,” dagdag pa ni professor Hunter.