Close

STL sa Koronadal, inalmahan

Sponsor ads


KORONADAL CITY - MARAMI ng nagsulpotan na mga kiosk ng Small Town Lottery (STL) sa lungsod.

Hindi ito nagustuhan ni Councilor Edwin Abris ng Koronadal at dapat lamang umanong may gawin silang hakbang sa Sangguniang Panlungsod upang ma-regulate ito.

kahit aniya ginawa itong legal ng national government, hindi magandang tingnan na hindi sinusunod ng mabuti ang ilang mga regulasyon.

Katulad na lamang ang pagpapatayo ng mga kiosk na nasa road right of way, malapit sa simbahan, eskwelahan at iba pa.

Tutol si Abris sa ganitong proseso lalo na kung maraming pipila sa mga kiosk na lantaran sa publiko.

Ang STL ang nakatakdang ipatupad locally kung saan may seperado itong draw at nasa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). (Tiffany Jill Trinidad)