Close

SSS may dagdag benepisyo para sa mga 'self-employed' member

Sponsor ads


May dagdag nang benepisyo ang mga 'self-employed' na miyembro ng Social Security System o SSS.

Ito ay dahil pasok na sila sa Employees' Compensation program na magagamit ng mga miyembro ng SSS kapag sila ay nagkasakit o naaksidente dahil sa trabaho.

Kabilang sa dagdag benepisyo ay medical benefits, carer's allowance, rehabilitation services, death pension at funeral benefits.

Ngunit ayon kay mployees' Compensation Commission (ECC) executive director Stella Banawis, kailangan muna itong i-aplay sa SSS.

Samantala, bago ipatupad ang nasabing programa ay hihintayin muna ng mga opisyal ang ilalabas na patakaran ng SSS.