Close

SSS Fund life, nanganganib sa gitna ng 2nd tranche ng pension hike

Sponsor ads


Pinangangambahang magtatagal na lang ang pondo ng Social Security System (SSS) hanggang 2026 kung itutuloy ang pagbigay sa second tranche ng P2,000 pension increas.

Kaugnay nito, inilarawan ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc ang sitwasyon bilang “precarious,” isang financial quandary kung saan ang pension fund para sa mga private sector employees ay hindi kailangang ipagpatuloy.

Sa 2019 bilang base year, mababawasan ng pitong taon ang fund life ng ahensya.

Ayon kay Dooc, ang P1,000 increase, kailangang makakuha ng karagdagang P2.5-B bawat buwan o mahigit P33 billion sa additional payouts.

Nabatid na bago pa man ipatupad ang first tranche ng pension hike noong January 2017 na nagbibigay sa mga beneficiaries ng karagdanag P1,000 ang SSS Fund ay magtatagal lang sa 2042 pero matapos naman na maipatupad ang pension increase umiksi ang fund’s life ng 2032.

Samantala, sa kabila naman ng pinangangmbahang financial crisis sa pension fund, tiniyak ni Dooc sa mga pensioners na ang kanilang karagdagang pension increase ay maibibigay tulad ng naipangako.