Close

SRP, ipapatupad sa apat na klase ng bigas

Sponsor ads


Papatawan na ng suggested retail price o SRP ang mga bigas ngayong katapusan ng buwan.

Kaugnay nito ay plano rin ni Agriculture Secretary Emmanuel Manny Pinol na bigyang linaw ang mga klase ng bigas.

Taliwas sa dating sandamakmak na pangalan ng bigas, lilimitahan na lamang ito sa apat.

Kabilang rito ang regular milled rice na papalo sa P38 hanggang P39 kada kilo, well-milled rice na nasa P40 hanggang P41 kada kilo, whole grain head rice na P42 hanggang P44 kada kilo at special rice na wala munang SRP.

Ang bigas naman ng NFA ay mananatili sa P27 hanggang P32.

Samantala, naiisip rin ni Pinol na iplastik ang bawat kilo ng bigas na ibebenta sa merkado para hindi na ito nakabuyangyang.

Karaniwan kasing hinahawak-hawakan ang bigas at maaari rin umanong malagyan pa ng dumi.


Photo from: Manila informer