Close

SMB, hindi mamadaliin si June Mar sa pagpapagaling mula sa injury

Sponsor ads


Hindi minamadali ng San Miguel Beermen ang pagbabalik ng superstar na si June Mar Fajardo sa nagpapatuloy na training sessions ng kuponan.

Noong 2020 season ay napilitan si Fajardo na magpahinga dahil sa fractured right tibia (shinbone) na kanyang natamo mula sa practice.

Inaasahang babalik sa aksyon ang six-time MVP sa Season 46.

Pero ayon kay SMB team manager Gee Abanilla, sumasailalim pa rin si June Mar sa Rehab base sa na-prescribe sa kanya ng doktor.

Anya, mahigpit nila sinusunod ang schedule nito para matiyak ang paggaling ni June Mar sa itinakdang panahon.

Samantala, inaasahan naman ng SMB na makakasali na rin sa practice nito sa kauna-unahang pagkakataon ang bagong member nito na si CJ Perez matapos ang naganap na trade mula sa Terrafirma.

Ipinunto ni Abanilla na nagnegatibo na si CJ sa COVID-19 test at nakumpleto na rin nito ang medical requirements ng Games and Amusements Board.