Close

SEAG Medal Tally: 49

Sponsor ads


(AS OF 12 NN)

Nadagdagan pa ang mga medalyang iniuuwi ng mga Atletang Pilipino sa ikalawang araw ng SEA Games.

Kaninang umaga lamang nang maaksungkit ng tatlong gintong medalya ang iba't-ibang events.

Kabilang na rito ang gold medals na iniuwi ni John Derick Farr sa Men's Mountain Bike Downhill at isa pang ginto mula kay Lea Denis Belgira para sa Women's Mountain Bike Downhill at sinundan ni Eleazar Barba Jr na nakakuha ng silver medal.

Isa pang ginto ang baon-baon pauwi ni Monica Torres nang ma-domina nito ang Women's Duathlon Event sa Subic.

Kanina rin nang masungkit ni Jones Inso ang silver medal para sa Wushu Men's Taijijian sa World Trade Center. Naka-iskor ito ng 9.65 sa kanyang huling round.

Bago ito, nauna nang nakuha ni Joey delo Reyes ang isan pang silver medal para sa Men's Duathlon event.

Pumangalawa ito sa pambato ng Indonesia na si Jauhari Johan.

Sa kasalukuyan, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa Medal Tally na kumana ng 49) medals sa kabuoan. 25 rito ay gold; 15 ) silver; at 9 na bronze.
#