Close

SEA Games dir., dumipensa sa pag-tape ng SEAG lighting ceremony

Sponsor ads


Kinumpirma ni SEA Games openining ceremony director Floy Quintos na pre-recorded nga ang mismong lighting sa turneyo.

Ito ang naging depensa ni direk Quintos matapos makatanggap ng iilang mga dismaya mula sa publiko at ang mga nag-abang sa labas ng event para sa pagpapa-ilaw sa Cauldron.

Aniya, sinadya raw talaga ng production team na mapa-aga ang event mula sa itinakdang oras sapagkat hindi nila mako-kontrol ang panahon.

Ito raw ay bilang paghahanda sakali mang magpa-ulan ang Bagyong Tisoy na kung matatandaan ay inaasahang papasok ng bansa noong Sabado ng gabi, ang petsa ng opening.

Paliwanag ni Quintos, mayroon namang karapatang magalit ang mga nadismaya sa pagpapa-ilaw ng cauldron, ngunit ito lang daw ang nakita nilang paraan para sa mas maayos na lighting ceremony.

Samantala, nanindigan din ito na ang paggamit nila ng awit na 'Manila' ay hindi naman nangangahulugang ibinibida ang mga Tagalog sa Pilipinas.

Maaalalang kinundena ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang paggamit sa kanta dahil tila'y hindi naman daw nito sinasalamin ang buong bansa.

Paliwanag nito na hindi naman nito intensyong ihiwalay ang mga Bisaya at iba pang dayalekto't mga tribo sa ibang bansa.

Nais lang daw nilang makapili ng awit na ang lahat ay makakakanta lalo na sa mga audience sa Philippine Arena.
#