Close

SCTEx, magdadagdag ng lanes para pabilisin ang toll transactions

Sponsor ads


Inaasahan na magkakaroon ng 20 karagdagan na lanes sa toll plazas sa Subic-Clark-Tarlac Expressway.

Layon ng mga nasabing lanes na pabilisin ang mga transaksyon sa toll, lalo na sa peak hours at holidays kung kailan ay mataas ang traffic volume sa expressway.

Sinabi ng North Luzon Expressway (NLEx) Corporation na magsisimula ang toll plaza capacity expansion project sa July at inaasahang matatapos naman ito sa November.

Dagdag ng korporasyon, sakop ng toll plaza capacity expansion ang Clark North, Clark South, San Miguel, Bamban (Tarlac) at Tarlac toll plazas.

Tig-isang toll lanes ang bubuoin sa Clark North entry at exit at sa Clark South B exit.

Dalawang toll lanes naman ang idadagdag sa Clark south A exit at sa Tarlac entry at exit.

Magkakaroon rin ng dalawang lanes sa San Miguel northbound entry at southbound entry, at isa pang toll lane ang idadagdag sa northbound exit.

Ang Bamban interchange naman, na nakatakdang magbukas, ay magkakaroon ng 3 entry at 3 exit lanes.