Close

SC, ipinawalang bisa ang 2011 HDO vs Arroyo couple

Sponsor ads


Ipinawalang bisa ng Supreme Court ang circular na inilabas ng Department of Justice noong 2011 na nag-aatas na isailalim sa watchlist at hindi payagang makalabas ng bansa ang noo'y Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo at asawa nito.

Batay sa desisyon, sinabi ng SC na walang kapangyarihan ang DOJ na pigilan ang ilang indibidwal na makalabas ng bansa nang walang court order.

Ang watchlist order mula kay dating Justice Secretary Leila De Lima ay inilabas sa gitna ng alegasyong poll fraud noong 2007 elections.

Noong October 2011 pinagbigyang ng SC ang hirit ni Arroyo na temporary restraining order sa watchlist order ngunit pinigilan ito ni De Lima.

Noong 2015 naman, kinatigan ng Court of Appeals ang ruling ng korte na makapag-piyansa ang dating pangulo.