Close

SC, 'di ibasura ang P5-M 'Hacienda Binay' suit vs Trillanes

Sponsor ads


Kinatigan ng Supreme Court (SC) First Division ang pagbasura ng lower court sa hirit ni Senator Antonio Trillanes IV na ibasura ang P5-million civil suit na inihain ng ngegosyanteng tinawag niyang "dummy" owner sa "Hacienda Binay" estate sa Batangas.

Noong March 14 ruling, tinanggihan ng SC division sa pamamagitan ni Associate Justice Noel Tijam ang petition for certiorari ni Trillanes na ipawalang bisa ang May at December 2015 orders ni Judge Evangeline Castillo-Marigomen ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 101 sa pamamagitan ng pag-invoke sa parliamentary immunity.

Mababatid na ibinasura rin ng RTC judge ang mosyon ni Trillanes na i-dismiss ang damages complaint na inihain sa kanya ng businessman na si Antonio Tiu, na tinawag nito sa harap ng media bilang "front," "nominee," o "dummy" ni dating vice president Jejomar Binay.

Ang "Hacienda Binay" ang 350-hectare property sa Rosario, Batangas kung saan 150 hectares nito ay kinabibilangan ng paved roads, manicured lawns, mansion na mayroong pool, man-made lakes, at horse stable na mayroong practice race tracks.