Close

SBP officials nasa China para sa FIBA World Cup draw

Sponsor ads


Tumulak papuntang China ang ilang opisyal ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para personal na saksihan ang FIBA World Cup draw na gaganapin sa Linggo, March 16, 2019.

Kabilang dito sina SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan, President Al Panlilio, at Philippine Olympic Committee President and PBA Chairman Ricky Vargas.

Plano din umano humabol ni PBA Commissioner Willie Marcial at mga members ng Board of Governors.

Dito malalaman kung saang bracket mapupunta ang Pilipinas at kung anong mga bansa ang makakaharap nito.

Batay sa rules ng FIBA magkakaroon ng walong bracket na may ti-apat na koponan para sa World Cup at magpapasiklaban ng kanilang basketball skills sa iba't-ibang venue sa China tulad ng Beijing, Shanghai, Guangzhou, Nanjing, Wuhan, Foshan, Shenzhen at Dongguan.