Close

SB aspirant, sugatan sa pananambang

Sponsor ads


COTABATO CITY - Sugatan ang isang sanguniang bayan aspirant sa bayan ng Parang, Maguindanao sa nagyaring pananambang sa Marhaban, Brgy. Salimbao Sultan Kudarat.

Sa ulat ng Brigada News FM Cotabato, kinilala ang sugatan na si Khadaffy Caurudin Pendi tumatakbong konsehal sa bayan ng Parang.

Masuwerte naman na hindi tinamaan ang pinaniniwalaang target sa pananambang na si Parang Vice Mayoral Candidate Councilor Bai Amelia Abo at isa pang SB candidate na si Hammyn Macapeges Manabilang, Bai Shahara Salasal, at ang driver na si Kim Basag.

Sinasabi sa initial report ng kapulisan ay naganap ang pananambang habang sakay ng isang Honda Jazz ang mga ito at pagsapit sa Marhaban ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga hindi nakilalang mga suspek.

Tinamaan sa kanyang kaliwang binti si Khadaffy Pendi na agad naitakbo sa isang pagamutan. (Rocky Daemon Lauban)