Close

Russia unang bansa na maglalabas ng COVID-19 vaccine

Sponsor ads


Kumpiyansa ang Russian government na mailalabas na nila sa lalong madaling panahon ang kauna-unahang epektibong bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa Moscow, posibleng sila ang unang bansa na makapaglalabas ng bakuna para sa coronavirus.

Sa darating na Agosto nakatakdang aprubahan ng Moscow-based medical company na Gamaleya Institute ang nasabing vaccine.

Matatandaang nagkaroon ng ilang pagkontra sa iba’t ibang mga grupo ang bakuna, dahil umano kulang pa ang pinagdaanan nitong clinical trials.

Sa oras na maaprubahan na, mabibigyan ang mga frontline health workers ng nasabing vaccine.