Close

Russia, planong gawing top world economy

Sponsor ads


Plano ni Russian President Vladimir Putin na gumastos ng nasa 400 bilyong dolyar para baguhin ang ekonomiya ng Russia, bawasan ang kahirapan, at ayusin ang tumatanda na nilang imprastraktura.

Kung matatandaan, nang manalo si Putin sa kanyang re-election noong nakaraang Mayo, una nang iginiit ng Russian leader ang kanyang intensyong iakyat ang Russia sa top-five world economy na mayroong healthcare, edukasyon, at infrastracture para sa bayan.

Kahapon ay nag-isyu na ang Russian government ng report kung saan mayroong 12 phases na gagawin para maisakatuparan ang nasabing plano.

Nagkakahalaga ito ng 391 bilyong dolyar.

Sesentro ang plano sa housing and urban development, ecology, science, safe and high quality roads, at labor productivity.