Close

Ruffa Gutierrez, na-feature sa Malaysian magazine

Sponsor ads


Maaga ang pasko para kay Ruffa Gutierrez matapos siyang maging cover ng UNRESERVED magazine ng Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Ruffa na ang unang Pilipina na naitampok sa nasabing sikat na magazine sa Malaysia.

Ipinakita ng beauty queen ang kanyang natatanging ganda at kaseksihan sa suot niyang red corset dress.

Bago si Ruffa, ilan lamang sa international stars na nauna nang nag-pose para sa UNRESERVED magazine ay ang Hollywood star na si Henry Golding ng Crazy Rich Asians at Essence Sexiest Man of 2013 Idris Elba.

Kasalukuyan naman nasa Kuala Lumpur ang celebrity mom para sa official launch ng December issue ng UNRESERVED.