Close

Rufa Mae , nag-ala WAZE!

Sponsor ads


“Go, Go, Go!” and “Todo na ‘to! To the highest level”

Ito ang ilan lang sa naging banat ng komedyanteng si Rufa Mae para pagbigyan ang hiling ng mga netizens na maging Waze navigation voice.

Sa pamamagitan ng kanyang vlog, gumawa ang komedyante ng Rufa "Waze" Quinto.

Tiyak umano na mapapawi ang pagod at hassle ng mga driver sa kabila ng trapiko dahil sa nakaka-aliw na boses ng komedyante.

Sa naturang video ay pinaalala rin ni Rufa Mae na sundin ang traffic rules gaya ng pagpapadaan ng tao sa pedestrian crossing ng ligtas.

May payo pa ito oras na makita ang ex sa kalsada.

"May makikita ka na sobrang malaking building, to the highest level na building. Pag makita mo na ang ex mo, bumaba ka, lapitan mo tapos... konyatan mo!"