Close

Rollback, asahan ngayong araw

Sponsor ads


Asahan na ang mas murang halaga ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Sa ikatlong sunod na linggo ng rollback ay inanunsyo ng Caltex, Shell at SEAOIL na matatapyasan ang kada litro ng gasolina ng 50-centavos habang 10-centavos naman ang mababawas sa kada litro ng diesel.

25-centavos naman ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Plano rin ng PTT Philippines na ipatupad ang mga kaparehong pagbabago maliban sa kerosene na hindi nito ibenebenta.

Inaasahang magiging epektibo ang rollback mamayang alas-6 ng umaga ngayong araw.

Una nang inanunsyo ng Cleanfuel, Petro Gazz at Phoenix Petroleum Philippines Inc. ang mga kaparehong pagbabago.