Close

Rodjun at Rayver, muling inalala ang yumaong ina

Sponsor ads


Muling inalala ng magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz ang yumaong ina nila na si Elizabeth Cruz na pumanaw noong February 2 dahil sa pancreatic cancer.

Sa instagram ay pinost ni Rodjun ang screenshot ng mensahe ng kanyang ina para sa kanilang 3 magkakapatid.

Doon ay nilagay niya ang caption na: “The best ka mama! Perfect mother ka talaga.”

Dagdag ni Rodjun: " Ikaw ang Love of our Lives! We miss you & Love you so much our Queen!"

Sinabi naman ni Rayver sa kanyang post na miss niya na ang kanyang number one fan.

Hiniling din ni Rayver na maging guardian angel niya ang kanyang ina at nsana ay patuloy siyang panuorin nito sa langit.