Close

Rockets, wagi kontra Jazz sa Game 1

Sponsor ads


Pumoste ng double-doubles sina James Harden at Clint Capela sa Game 1 ng Western Conference first round series kung saan ay tinalo ng Rockets ang Utah Jazz sa 122-90.

Nagtala si Harden ng 29 points, at 10 assists habang nag-ambag naman si Capela ng 16 points, at 12 rebounds.

Dahil naman sa tindi ng dipensa ng Houston ay nalimitahan lamang ang Utah guard na si Donovan Mitchelle sa 19 points na may 7-of-18 shooting.

Sa 3rd quarter ay nakuha ni Harden ang kanyang ikaapat na foul na dahilan naman upang maputol ng Utah ang 15 points na lamang ng Rockets sa 66-61.

Kalaunan ay nabawi rin ng Rockets ang kanilang lamang sa score na 74-61 matapos ang 3-point play ni Harden sa 4:54 mark.

Samantala, nakatakda naman ganapin ang Game 2 sa Miyerkules.