Close

Rockets, binigo ng Thunder matapos mahabol ang 26-point deficit

Sponsor ads


Nakamit ng Oklahoma City Thunder ang pinakamalaking comeback victory nito kontra Houston Rockets sa laro na nagtapos sa score na 117-112.

Ito ay matapos na matagumpay na nabawi ng Oklahoma City sa 2nd half ang kanilang 26-point deficit.

Nagdomina sa Thunder si Paul George sa naitala niyang 45 points.

Nakakuha naman ng bagong NBA record si Russel Westbrook dahil sa kanyang ika-siyam na magkasunod na triple-double na may 21 points, 12 rebounds at 11 assists.

Dahil dito ay meron ng 22 triple-doubles si Westbrook sa buong season, at 126 naman over-all.

Mababatid na huling naitala ni Wilt Chamberlain noong 1968 ang nasabing record.