Close

Robredo, nanawagang bilisan ang Marawi rehabilitation

Sponsor ads


Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga concerned agencies na pabilisin ang rehabilitasyon ng Marawi City na aniya'y napabayaan simula nang atakihin ito ng mga terorista tatlong taon na ang nakalipas.

Ginawa ng pangalawang pangulo ang pahayag ngayong araw, 3rd anniversary ng Marawi siege.

Ayon sa bise presidente, hindi lamang isang trahedya na maaalala ang Marawi, kundi isang nagpapatuloy na problema na kailangang solusyunan.

Pero matapos ang tatlong taon, nananatali pa ring sira-sira ang lungsod at nanunuluyan pa rin sa mga shelter ang mga residente nito.

Binigyang diin ni Robredo na ngayong nahaharap sa COVID-19 crisis ang bansa, tataas ang banta ng virus sa mga siksikang shelter communities.

Mababatid na nagsimula ang Marawi siege noong May 23, 2017 at natapos noong Oktubre ng parehong taon nang mapatay ng tropa militar ang mga lider ng mga terorista kabilang si Isnilon Hapilon.