Close

Robredo, hindi hihingi ng paumanhin para sa kanyang mga anak

Sponsor ads


Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo na hindi siya hihingi ng paumanhin para sa kanyang mga anak, matapos ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na nag-ugat ang mga tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanya, dahil sa tweets ng kanyang mga anak, noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Una nang denepensahan ni Robredo sina Aika at Tricia, sa pagkakaroon umano ng kanilang sariling paninindigan at paniniwala.

Dagdag ng pangalawang pangulo, hindi umaasa ang kanyang mga anak sa kanilang impluwensya o pangalan.

Giit nito, kung ano man ang naabot ng kanyang mga anak, iyon umano ay dahil sa kanilang pagsusumikap.

Sa gitna nito, binigyang diin ni Robredo na walang intensyon ang kanyang mga anak na pumasok sa pulitika.