Close

Robi Domingo, pinag-initan ng Kathniel Fans

Sponsor ads


Pinag-initan ng mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang TV host na si Robi Domingo sa social media.

Sa Instagram story kasi ni Robi ay makikitang tinututok niya ang camera ng kanyang cellphone kay Padilla habang kinakausap ang aktress na si Liza Soberano.

Pagkatapos niyan ay tinutok niya muli ang camera niya kay Liza at tinanong: "May sinasabi ka?"

Hindi naman ma-gets ni Soberano ang naging pahiwatig ni Robi noong mga panahon na yun.

Na-delete na ang video pero na-reupload ito ng netizen sa youtube.

Lalo pang nag-init ang ulo ng mga Kathniel fans matapos i-post ng resto-bar na District 8 Manila ang litrato nina Soberano at Padilla habang pinapagitnaan sila ni Domingo.

Agad naman tinanggal ang nasabing larawan at humingi ng paumanhin ang restobar.

Anila, nagkamali ang social media handler nito at agad na nilang tinaggal ito sa pusisyon.

Mababatid na isa si Daniel sa mga owners ng District 8 Manila.